^

Metro

2 humoldap sa bakeshop, arestado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalambat ng mga awtoridad ang dalawang suspect na responsable sa panghoholdap sa isang restaurant at gumamit ng taksi bilang get away vehicle sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon. Sina Juancho Alba, 44 at Marlon Baloca, 39, ay sakay ng isang taksi na ginamit nila nang holdapin ang isang branch ng Red Ribbon. Nadakip sila sa may kahabaan ng Litex Road, ayon kay Supe­rintendent Eleazar Matta,hepe ng Quezon City Police District- Station 6.

Ayon kay Matta, ang dalawa ay itinuturong kasama sa limang responsable sa panghoholdap sa Red Ribbon na matatagpuan sa Commonwealth Avenue Barangay Old Balara noong Sabado kung saan natangay nila ang  P63,000 cash.

Si Baloca umano ang isa sa tatlong armadong lalaki na nagdeklara ng holdap, habang si Alba naman ay isa sa dalawang nakasakay sa taxi na nagsilbi nilang get away.

Dalawang patalim ang narekober sa mga suspect nang sila ay maaresto ganap na alas 5 ng hapon. Dagdag ni Matta, nagawa nilang masundan ang mga suspect sa pamamagitan ng operator ni Alba na nagsabi na tanging si Alba lamang ang gumagamit ng nasabing sasakyan. Nauna nang natukoy ng awtoridad ang may-ari ng taxi na may markang “MVBS” at plakang TYL-501 na ginamit ng mga suspect nang isagawa ng mga ito ang panghoholdap.

 

AYON

COMMONWEALTH AVENUE BARANGAY OLD BALARA

ELEAZAR MATTA

LITEX ROAD

MARLON BALOCA

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RED RIBBON

SI BALOCA

SINA JUANCHO ALBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with