Krimen sa Metro hotspots, bumaba na - NCRPO
MANILA, Philippines - Bumaba na umano ang antas ng krimen na naitala sa tatlo sa limang street crime hotspots sa Metro Manila, ayon kay National Capital Regional Police Office (NCRPO) Director, Chief Supt. Marcelo Garbo, Jr.
Sa ginanap na 5th coordination confeÂrence ng Philippine National Police IntegraÂted System and Street Crime, iprinisinta sa kanya ng mga hepe ng Manila Police Districts, Eastern Police District at Northern Police District na bumaba ang crime rates sa lugar ng kanilang nasasakupan dahil sa binuo nilang Task Force kasama ng mga progÂrama para mapigilan ang krimen.
Kabilang sa bumaba ang bilang ng krimen sa mga lugar ng University Belt sa May nila, Kalentong sa Mandaluyong at sa Monumento Circle sa Caloocan City. Wala pa namang update na ibinibigay si Garbo sa antas ng krimen sa iba pang hotspots kabilang ang EDSAÂ-Taft-Baclaran sa Pasay; at E. Rodriguez-Cubao sa Quezon City.
Kumbinsido naman si Garbo sa mga iprinisintang datos ng mga district directors sa pagbaba ng crime rates sa kanilang mga lugar makaraang pagsabihan niya ang mga ito na huwag doktorin ang mga accomÂplishment reports nang kanyang unang tukuyin ang mga crime hotspots.
Subalit sinabi pa rin ni Garbo sa mga District Directors na kailangan pa rin ng improvements tulad ng pagbuo ng mga social media account para sa cime monitoring, pagsangkot sa publiko sa paglaban sa krimen at pagpaparating ng kanilang mga “accomplishmentsâ€.
Kabilang rin sa napag-usapan ang paglalagay ng “closed circuit television camera (CCTV)†sa loob ng mga police stations upang mabantayan kung may mga nagaganap na suhulan sa loob ng mga presinto at mabantaÂyan ang trabaho ng mga pulis.
- Latest