^

Metro

TRO sa bus ban, hiling ng bus operators

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ng Fairview-Quiapo Baclaran Bus Ope­rators Association (FAIR­ QUIBBOA) kahapon sa Manila Regional Trial Court na magpalabas ng temporary restraining order kaugnay sa kontrobersyal na ipinatutupad na bus ban sa Maynila.

Sinabi ng FAIRQUIBBOA na ang Traffic Manage­ment Committee Reso­lution no. 1 na nagbabawal sa mga  provincial at city buses na bumiyahe sa Maynila habang ang Resolution 48 (series of 2013) na nagli­limita sa mga bus na bumiyahe kung walang terminal sa lungsod ay ‘unreasonable’, ‘improper exercise of police power’ at ‘uncons­titutional’.

Ibinase ng pamahalaan ng Maynila sa ilalim ni Mayor Joseph Estrada ang kanilang resolusyon sa pag-aaral na ginawa ng University of the Phi­lippines National Center for Transportation Studies (UP NCTS) na ang napakaraming bilang ng mga bumibiyaheng bus ang pangunahing dahilan nang pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Maynila.

Subalit sinabi ng petitioners na may ginawang kaparehong pag-aaral ang NCTS noong Agosto 2012 at hindi nito binanggit na ang mga bus o jeepneys at maging pribadong sasak­yan ang sanhi nang pagbu­buhol-buhol ng trapiko.

Sinabi rin ng petitioners­ na ang pag-aaral na ginawa ng Japan International Coo­peration Agency (JICA) at Department of Transpor­tation and Communication (DOTC) ay sinasabing ang ‘bad driving habits, inade­quate traffic enforcement at poorly coordinated pro­jects at hindi ang dami ng mga sasakyan ang sanhi ng trapiko.

Inihain nina FARQUIBBOA president Edgardo S. Meneses at Ma. Rose bus service operator Rizalino V. Eugenio ang paghiling ng TRO ilang araw matapos isa­­ batas ng Manila City Council ang kontrobersyal na kautusan laban sa pagbiyahe ng mga bus sa Maynila.

vuukle comment

BUS

COMMITTEE RESO

DEPARTMENT OF TRANSPOR

EDGARDO S

FAIRVIEW-QUIAPO BACLARAN BUS OPE

JAPAN INTERNATIONAL COO

MANILA CITY COUNCIL

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with