Baril ginamit na pangkamot, sekyu sugatan
MANILA, Philippines - Hindi sukat akalain ng isang security guard na simpleng pagkamot gamit ang kanyang service firearm ang muntik ng maglagay sa alanganin sa kanyang buhay matapos na pumutok ito at tamaan ang kinakamot niyang tiyan sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon kay Superintendent Michael MaÂcapagal, hepe ng Talipapa Police Station, si Herbert Donato, 26, residente ng Insurance St., Brgy. Sangandaan, ay agad namang naÂisugod sa pagamutan matapos ang insidente.
Ang insidente ay naganap alas-5:15 ng hapon sa hanay ng bagong ginagawang commercial unit na matatagpuan sa panulukan ng Benefits at Insurance Streets sa Brgy. Sangandaan kung saan naka-poste ang guwardiya.
Nabatid ng opisyal na si Donato ay naka-duty nang mabaril nito ang kanyang sarili gamit ang kanyang service pistol na kalibre .38.
Ayon sa caretaker sa lugar na si BoniÂfacio Espiritu at si Gilbert Herrera, sales agent, bago ito nagkukuwentuhan sila ng guwardiya habang nakaupo nang makita nilang inilabas ng huli ang kanyang baril na nakasilid sa holster saka ginamit na pangkamot sa kanyang tiyan.
Gayunman, bigla umanong nagulat ang dalawa nang biglang pumutok ang baril at tinamaan ang biktima.
Agad namang tinulungan ng dalawa ang biktima at isinugod ito sa Quezon City GeneraÂl Hospital (QCGH) kung saan siya nakaratay.
- Latest