^

Metro

Bahay ng engineer, pinasabugan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binulabog ng malakas na pagsabog ang pamilya ng isang chief executive officer­ ng isang construction­  firm sa Brgy. Laging Handa, Quezon City, makaraang ha­ gisan umano ang bahay nito ng granada ng hindi nakikilalang salarin kaha­pon ng umaga.

Sa naturang pagsabog ay naging ugat para bahagyang mapinsala ang gulong ng isang Toyota Fortuner at magkabutas-butas ang dingding ng gate sa tahanan ng may-aring si Engr. Reynaldo Fuentes na matatagpuan sa may Scout Fuentebella, Brgy. Laging Handa, Quezon City.

Ayon kay QCPD di­ rector­ Chief Supt. Richard Albano­, base sa pahayag ni Fuentes, personal at pa­nanakot umano ang motibo ng pagpapasabog sa kanyang bahay, dala na rin ng kanyang bagong posisyon sa kanilang kompanya.

“Base na rin sa pakiki­pag-usap natin kay Fuen­tes, maaaring ang pagiging CEO niya sa kompanya ang dahilan at tinatakot siya,” sabi ni Albano.

Sa pagsisiyasat ng bomb squad ng QCPD narekober sa lugar ang pin ng granada na hinihinalang mula sa M2K fragmentation handgrenade at ilang sharpnel mula dito.

Nangyari ang insidente ganap na alas-6 ng umaga.

Sabi ni Albano, nasa loob ng kanilang tahanan ang pamilya Fuentes nang biglang sumabog ang ga­wing garahe ng kanilang taha­nan. Masuwerte namang walang nasaktan sa naturang insidente maliban sa mga naturang napinsala.

“Makukuha na natin agad sila (suspect) dahil sa nakitang CCTV camera­,” giit ni Albano.

ALBANO

BRGY

CHIEF SUPT

FUENTES

LAGING HANDA

QUEZON CITY

REYNALDO FUENTES

RICHARD ALBANO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with