Kawatan arestado sa nakaw na gamit ng city treasurer
MANILA, Philippines - Kalaboso ang 19-anyos na barker na sinasabing miyembro ng Bukas-Kotse Gang makaraang masakote ng mga operatiba ng pulisya kaugnay sa pagnanakaw ng mga gamit sa loob ng kotse ng ingat-yaman sa Pasay City kamakalawa ng umaga.
Pormal na kinasuhan ng pulisya ang suspek na si Andrei “Boy Liit†Manabat ng #2297 FB Harrison Street sa naturang lungsod.
Batay sa police report, ipinarada ni PO3 Arnold Torralba, driver at bodyguard ni Pasay City Treasurer Manuel Leycano ang itim na Toyota Fortuner sa harap ng fastfood restaurant sa panulukan ng Arnaiz Avenue at FB Harrison Street noong Huwebes ng gabi.
Matapos na kumain ay lumabas na si Torralba kung saan nadiskubre nito na bukas ang pinto ng kotse at nawawala na ang iba’t ibang susi, mga mahahalagang dokumento, mga bala ng .9mm pistol, at ATM card na pag-aari ni Leycano.
Agad namang iniulat ni Torralba kay Leycano ang insidente kung saan humingi ng tulong sa pulisya.
Dito na inilatag ang operasyon at sa tulong ng ilang asset ng pulisya ay kaagad na nasakote ang suspek.
Itinanggi naman ng suspek ang akuÂsasyon sa kanya at ibinaling sa dalawang palaboy na bata na natutulog sa tapat ng gusali ang nagbigay sa kanya ng mga gamit na ninakaw.
- Latest