Koleksiyon ng MTPB tumaas
MANILA, Philippines - Matapos na ipatupad ang paghihigpit laban sa mga traffic violation sa lungsod ng Maynila tumaas ang koÂleksiyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).
Ito naman nabatid mula kay MTPB chief Director Carter Don Logica kung saan sinabi nito na target pa rin nila na mas mapataas pa ang koleksiyon kasabay ng ipatutupad na ‘no contact ‘policy sa mga susunod na buwan.
Ayon kay Logica, sa mga motorista na lumabag sa traffic rules umaabot sa P3.7 milyon ang naging koleksiyon ng kanyang tanggapan sa buwan lamang ng Hulyo na sinundan naman ng koleksiyon na aabot sa halos P2 milyon mula sa mga nagbabayad ng parking fees.
Aniya, malaking tulong ang nasabing koleksiyon upang maipatupad ng city goÂvernment ang mga proyekto para sa mga Manilenyo.
Samantala, nakatakda naÂÂmang ihayag ni Manila Mayor Joseph Estrada bukas ang pagbabalik ng 20 porsiyentong komisyon ng mga traffic enforcer.
Matatandaan inalis ang 20 porsiyentong komisyon ng mga MTPB traffic at parking personnel dahil na rin sa iba’t ibang reklamo.
Subalit tiniyak naman ng MTPB na ang nasabing komisyon ng mga personnel ay batay sa lehitimong pagÂhuli sa mga traffic violator.
- Latest