2,630 indibiduwal tumanggap ng relief goods
MANILA, Philippines - Tinatayang umaabot sa may 2,630 indibiduwal ang nabigyan ng tulong sa paÂnguÂnguna ni Manila Mayor Joseph Estrada sa Tondo Sports Complex.
Hindi magkamayaw ang mga tao nang dumating si Estrada kasama ang ilang mga tauhan ng Manila Social Welfare Development sa pamumuno ni Honey Lacuna-Pangan.
Ayon kay Estrada, hindi magsasawa ang city governÂment na tumulong sa mga Manilenyong nangangaÂilangan. Aniya, pinabeberipika rin niya sa MSWD ang bilang ng mga pamilyang aayudaÂhan ng puhunan upang maÂkapagsimula ng maliit na negosyo.
Samantala, sinabi naman ni Manila Vice Mayor Isko Moreno na nakabalik na sa kanilang bahay ang mga pamilyang naapektuhan ni ‘Maring’.
Sinabi ni Moreno na mahigit 17,000 indibiduwal ang inayudahan ng pagkain, gaÂmot at mga pangunahing kagamitan na panlaban sa lamig at matinding pagbaha na nasa evacuation center noon.
Bunsod nito, sinabi ni MoÂreno na kailangan na maÂpaÂlitan ang pump ng Lagusnilad upang maiwasan na mapuno ito ng tubig. Aniya, 1970 pa ang pump kung kaya’t hindi imposible na buÂmagal ang operasyon nito dala ng kaÂlumaan.
- Latest