2 rider ng motorsiklo todas sa bangga
MANILA, Philippines - Patay ang dalawa katao matapos na salpukin ang kanilang mga motorsiklo sa magkahiwalay na insidente sa Pasay at Navotas City kahapon ng madaling-araw.
Agad na nasawi ang hindi pa nakikilalang lalaki na nasa pagitan ng edad na 28-30 anyos, nakasuot ng maong na short pants, itim na jacketÂ, maputi at kaÂtamtaman ang katawan na na-hit and run sa kanto ng President Diosdado Macapagal Ave. at Gil Puyat Avenue sa Pasay City.
Nakuha sa loob ng Suzuki motorÂcycle nito ang “LTO Official Receipt/Certificate of Registration†na nakapangalan sa isang Rafael Laurente, ng Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Pasay Police, dakong alas-3:25 ng madaÂling-araw nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.
Nakatanggap na lamang ang pulisya ng ulat na may nabangga na kanilang niÂresÂpondehan.
Nabatid na nasawi ang biktima dahil sa pinsalang natamo sa ulo makaraang mabagok dahil sa wala itong suot na crash helmet.
Inaalam naman ng mga otoridad kung sangkot ang biktima sa nagaganap na “drag racing†na madalas sa naturang kalsada tuwing dis-oras ng madaling-araw.
Samantala, kamaÂtayan din ang naging huling destinasyon ni Daisy Dawang, 17, ng Apahap St., North Bay Boulevard South, habang isinugod naman sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga kasamahan niyang sina Jersilyn Vergabo, 20, ng Lapu-Lapu St., NBBS, at Juliet dela Cruz, 20, ng Sabalo St., Dagat-Dagatan, Caloocan City.
Sa ulat ng Navotas City Police, unang nag-inuman ang mga biktima sa bahay ng isa sa mga ito sa naturang lungsod at nang malasing ay napagtripan na mag-“joy ride†lulan ng isang motorsiklo.
Dakong alas-12:30 ng umaga nang magkaangkas ang tatlo nang mawalan ng control sa motorsiklo at diretsong sumalpok sa isang nakaparadang trailer truck sa may Road 10, ng naturang lungsod.
Tumilapon ang tatlong lasing na babaeng sakay ng motorsiklo na nagtamo ng matinding pinsala sa katawan dahil sa pawang mga walang suot na helmet.
- Latest