Salvage victim ikinahon
MANILA, Philippines - Isang bangkay ng hindi pa kilalang lalaki na pinaniniwalaang biktima ng salvage ang natagpuang nakakahon sa ilalim ng puno ng Acacia sa Sampaloc, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Nasa edad na 45-55, may taas na 5’2â€-5’3â€, payat, kayumanggi, kalbo, nakasuot ng itim na long sleeveshirt at shorts na checkered ang biktima na may tatlong saksak sa dibdib, nakagapos ang mga kamay ng plastic straw, nakatali ng kulay pulang sinturon ang mga paa at nababalot ang mukha ng packaging tape.
Ayon kay SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas-4:30 ng madaling-araw kahapon nang mapansin ng mga tricycle driver ang naÂsabing kahon sa ilalim ng puno, sa panulukan ng Sobriedad at Matimyas St., sa Sampaloc, Maynila.
Una umanong sinipa ang kahon at nang maramdaman na may malambot sa loob ay pinagdudahan ang laman nito kaya ipinarating sa pulisya.
Inaalam pa kung sino ang posibleng nag-iwan ng nasabing kahon para matukoy ang motibo at pagkilanlan ng biktima.
- Latest