^

Metro

Oil price hike sumirit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi napigilan ng tuma­mang kalamidad sa bansa ang pagtataas sa presyo ng petrolyo ng mga kompanya ng langis makaraang ipatupad ito kahapon ng umaga.

Nilinaw naman ng mga tagapagsalita ng Pilipinas Shell, Petron Corp., at Chevron Phils. na tanging sa Visayas at Mindanao lamang epektibo ng oil price hike at hindi sa Luzon kung saan malaking bahagi nito ay sinalanta ng pagbabaha at landslides dulot ng bagyong Maring at ng habagat.

Dakong alas-6 ng uma­ga nang pangunahan ng Big 3 oil companies ang pag­tataas. Nasa P.40 kada litro ang itinaas sa premium at unleaded gasoline, P.45 kada litro sa diesel at P.25 kada litro ng kerosene.

Muling ikinatwiran nina Petron Communications Stra­tegic Manager Raffy Ledesma at Ina Soriano ng Pilipinas Shell na ang panibagong pagtataas sa halaga ng petrolyo ay sanhi ng panibagong paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.  Nakaapekto umano dito ang nagaganap na kaguluhan sa Ehipto, pagka-antala ng supply sa Libya at pagtaas ng pangangailangan nito sa Tsina.

Wala namang abiso pa ang mga independent players­ ngunit inaasahan na susunod ang mga ito sa galaw ng Big 3.

Sa kabila naman ng pag­kaantala ng price increase sa Luzon, inaasahan naman na agad na ipatutupad ito ng mga kompanya ng langis sa oras na tuluyang bumuti na ang panahon at matanggal ang “state of calamity” sa mga apektadong lugar.

CHEVRON PHILS

DAKONG

INA SORIANO

LUZON

MANAGER RAFFY LEDESMA

NASA P

PETRON COMMUNICATIONS STRA

PETRON CORP

PILIPINAS SHELL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with