^

Metro

Tubig sa Lagusnilad, nasipsip na

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Maaari nang daanan ng lahat ng uri ng sasakyan ang mga kalye sa Maynila kabilang na ang Lagusnilad sa tapat ng Manila City Hall na natapos lamang ang pagsipsip  dakong alas-6:00 ng gabi kamakalawa

Imumungkahi ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council sa Konseho ng Lungsod ang muling pag-aaral sa disenyo ng drainage system ng Lagusnilad sa hangaring  malutas ang matagal nang problema ng pagbaha sa nasabing lagusan.

Ayon kay Johnny Yu, OIC ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, hihilingin nila ang pagsasagawa ng retroffiting sa Lagusnilad sa idaraos na sesyon ng konseho sa susunod na linggo.

Kaugnay nito, ipinaliwanag ni Yu na ipapanukala niya na pagpulungan ng DPWH, MMDA at ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang pag-aaral sa drainage system plan ng Lagusnilad.

Posible raw na konektado ang drainage system ng nasabing lagusan sa drainage system ng Intramuros,  kaya mabilis na nagbabara ang drainage ng una.

Dahil dito, tila lumalabas umano na nagsisilbi ring catch basin ang Lagusnilad. Nabatid na sira ang limang water pumps ng Lagusnilad kaya nahihirapang humupa ang anumang pagbaha dito.

 

AYON

DAHIL

IMUMUNGKAHI

INTRAMUROS

JOHNNY YU

LAGUSNILAD

MANILA CITY HALL

MANILA DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

MAYNILA

PAMAHALAANG LUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with