Pasay health office, umalerto sa leptospirosis
MANILA, Philippines - Nakaalerto na ngayon ang Pasay City Health Department sa posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit na leptospirosis habang patuloy na lubog sa baha ang ilang barangay sa lungsod.
Ito ang inihayag ni Dr. Maria Lourdes San Juan, chief ng Pasay Health Department, kahit na wala pang naitatalang tinaÂtamaan ng naturang sakit sa 30 barangay na nalubog sa baha sa kasagsagan ng bagyong Maring at ng Habagat.
Sa kasalukuyan, lubog pa rin sa baha ang maÂlaking bahagi ng Brgy. 183 sa lungsod na siya ngayong pangunahing tinututukan ng mga health workers.
Kabilang sa paghahanda na kanilang isinasagawa ang pamamahagi ng higit sa 3 libong kapsula ng DoxiÂcyclin sa mga residente upang agad na masaÂwata ang pagkalat ng naturang sakit. Nakukuha ang leptosÂpirosis sa mikrobyong dulot ng ihi ng daga na nasasama sa baha at pumapasok sa katawan ng tao sa pamamagitan ng sugat.
Samantala sa ParaÂñaque City, magbibigay ang pamahalaang lungsod ng tulong pinansyal sa pamilya ng 84-anyos na lola na si Purita Maluz, ng Brgy. San Dionisio na nasawi makaÂraang malunod sa matinÂding pagbabaha.
Pinag-aaralan na rin umano ngayon ng pamahalaang lungsod ang relokasyon sa mga pamilya na nakatira malapit sa mga ilog sa lungsod upang hindi na malagay sa panganib ang kanilang buhay sa panahon ng kalamidad na taun-taon nang tumatama sa bansa.
- Latest