^

Metro

1 pang beybi, isinilang sa LRT

Mer Layson, Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang malusog na sanggol na babae ang iniluwal sa loob ng tren ng Light Rail Transit-Line 2 makaraang abutan nang pagputok ng panubigan ang kanyang ina habang patungo sa pagamutan, kahapon ng umaga.

Sinabi ni Atty. Hernando Cabrera, tagapagsalita ng LRTA, na patungo na sana sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ang 23-anyos na single mother na nakilalang si Marissa Pantay, residente ng Brgy. San Roque, Antipolo City, nang makaramdam ng pananakit ng tiyan ngunit sa may Legarda Station na ito inabutan ng panganganak.

Agad namang tinulungan nina Dr. Edgardo Aguas, resident doctor ng LRTA at nurse na nakilala sa pa­ngalang Anna, ang ginang at maayos na naipanganak ang sanggol na babae.

Nailuwal ang sanggol dakong alas-8:50 ng umaga habang tumatakbo ang tren patungo sa Recto Station sa Maynila.  Dinala naman ang mag-ina sa Fabella Hospital kung saan nasa maayos na kalagayan na ang mga ito.

Ang naturang sanggol ang ikatlong naipanganak sa LRT train system ngayong taon.  Pinakahuli dito ang isang sanggol na ipinanganak sa LRT Line 1 Blumentritt station noong Hulyo 31.

Ang naturang sanggol rin ang ika-16 na naipanganak sa LRT system mula nang mag-operate ito noong 1984.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

DR. EDGARDO AGUAS

DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

FABELLA HOSPITAL

HERNANDO CABRERA

LEGARDA STATION

LIGHT RAIL TRANSIT-LINE

MARISSA PANTAY

RECTO STATION

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with