^

Metro

7,800 pamilya sa Quezon City nasa evacuation center pa rin

Angie­ dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa may 7,800 pamilya na naapektuhan ng matinding pagbaha  ang patuloy na inaayudahan ng pamahalaang lungsod ng Quezon sa may 78 evacuation centers.

Hanggang ala- 1 ng hapon, sa isang panayam, sinabi ni Noel Lansang, deputy chief ng Department of Public Order and Safety (DPOS), na batay sa ginawa nilang pag-iikot sa mga binahang lugar partikular ang barangay Bagong Si­langan, Roxas District,Tatalon, Damayang  Lagi kasama ang rescue teams ng lokal na pamahalaan, hindi pa ma­aaring balikan ng mga residente ang kanilang mga tahanan doon.

Bunsod nito, sinabi ni Lansang na agad na pinaalalahanan nila ang mga opisyal ng mga barangay na huwag munang pabalikin sa kani-kanilang  mga bahay ang mga pamilyang nasa mga evacuation centers dahil sa mataas pa rin anya ang tubig sa San Juan River, Dario River at Tullahan­ River.

Patuloy din anyang nasa alert level ang La Mesa dam bunga ng patuloy na pag-apaw ng tubig dito.

Iniulat din nito na sapat naman ang suplay na pagkain at mga gamot na naipama­mahagi para sa mga pamilyang  nasa evacuation centers.

BAGONG SI

BUNSOD

DARIO RIVER

DEPARTMENT OF PUBLIC ORDER AND SAFETY

LA MESA

NOEL LANSANG

ROXAS DISTRICT

SAN JUAN RIVER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with