Koreano nang-hostage, timbog
MANILA, Philippines - Matapos ang halos 13 oras na hostage drama, naaresto na ng awtoridad ang isang Korean national na nanakit sa kanyang asawa at nang hostage sa isang buwan nilang sanggol na anak na lalaki sa loob ng kanilang bahay sa Fairview lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Si Man Kwon Lee, 42, ay nakuha ng mga awtoÂridad matapos na makatulog kasunod ang pangho-hostage na nagsimula ng alas-3 kamakalawa ng hapon hanggang alas-4 kahapon ng maÂdaling- araw. Ayon kay SuperintenÂdent Dennis de Leon, hepe ng Quezon City Police District-Station 5 ligtas naman sa kapahamakan ang kanilang anak na si Ubin Lee, na hindi naman nagtamo ng anumang sugat sa katawan.
Pero ang Pinay na asawa nitong si Diana Ross Young, ay nagtamo ng mga pasa sa mukha at mga braso mula sa pambubugbog umano ng Koryanong asawa sa kanilang bahay sa Dahlia Street, BaÂrangay West Fairview Linggo ng gabi. Sinabi ni De Leon, nabatid nila ang insidente nang huÂmingi ng tulong sa kanila ang babae ganap na alas-10 ng gabi ng Linggo dahil sa pananakit umano sa kanya ng asawang Koreano kasabay ng paghahain ng reklamo laban dito.
Hindi na umuwi ng kanilang bahay ang babae hanggang sa dumiretso na ito sa QCPD Headquarters sa Camp Karingal ganap na ala-1 ng madaling-araw para humingi ng tulong na makuha ang kanyang anak.
Agad namang sinamahan ni De Leon at kanyang tropa ang babae na sinabihan ng suspect sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono na umuwi na siya at tignan siya.
Pero nang makita ng suspect ang mga pulis, nagsalita umano ang suspect na ayaw niyang makakita ng ibang tao maliban sa kanyang asawa. Tinakot pa ng suspect ang asawa na sasaktan ang kanilang anak.Dahil dito nagdesisyon ang mga awtoridad na maghintay kapag ang suspect na noon ay naka-droga ay mapagod.
Ganap na alas-4 ng madaling-araw, nakatulog ang suspect na siyang naging daan para makapasok ng mga awtoÂridad at iligtas ang sanggol at arestuhin na ito. Dagdag ni De Leon, naÂrekober ng mga awtoridad sa bahay ng suspect ang mga drug paraphernalia.
- Latest