Baha dumoble: 60% ng Metro Manila lumubog
MANILA, Philippines - Dumoble pa ang delubyo sa Metro Manila matapos na 60 porsiyento nito ang lumubog sa tubig-baha sa ikatlong araw dulot ng paÂtuloy na pag-ulang ibinuhos ng magÂkasanib na habagat at bagyong Maring, ayon sa opisyal kahapon.
Sinabi ni Dr. Edgar Olet, director ng Office of Civil Defense-National Capital Region (OCD-NCR), nadagdagan pa ang mga binahang lugar sa Metro Manila dahil sa walang humpay na buhos ng ulan.
Bunga nito, nagpatupad ng mandatory at forced evacuation sa mga mababang lugar sa Metro Manila.
Patuloy naman ang monitoring sa Marikina River, NaÂpindan at Mangahan floodway sa eastern part ng Metro Manila. Nagkabuhul-buhol ang daloy ng trapiko sa mga paÂngunahing lansangan sa Metro Manila partikular na sa mga tunnel lalo na sa Magallanes, P. Burgos at Buendia sa Makati City.
Samantala, sinuspindeng muli ang klase sa lahat ng antas maging sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pribadong kumpanya sa Metro Manila maliban sa mga tanggapan na nasa disaster and rescue operations.
Libu-libong pasahero at mga residente sa kanilang mga tahanan ang stranded dahil sa matinding pagbaha sa Metro Manila.
Sa press briefing naman sa NDRRMC sa Camp Aguinaldo, sinabi ni Dr. Vicente Malaon, acting deputy administrator ng PAGASA, nalagpasan na ng ibinuhos na ulan ng habagat ngayong 2013 sa rekord na 475.4 millimeter sa habagat noong Agosto 7,2012 na naitalang 354.2 millimeter.
Sa panig naman ni Interior and Local Government SecÂretary Mar Roxas na masusing ipinamomonitor ni Pangulong Benigno Aquino ang sitwasyon ang mga apektadong lugar sa Metro Manila at iba pang mga lalawigan sa Luzon upang maiparating ang mga kinaÂkailangang tulong.
- Latest