^

Metro

3 Koreano timbog sa pagkidnap sa kapwa Koreano

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nadakip ng nagsanib na puwersa ng Pasay City at Muntinlupa City Police ang tatlong Koreano na sina­sabing kumidnap at nagtangkang humingi ng ransom sa kapwa nila Koreano sa isang operasyon na isinagawa sa Muntinlupa City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Muntinlupa City Police chief, Senior Supt. Roque Vega, ang tatlong na­dakip na suspek na sina Bar Song Won, 40, casino agent, ng Unit 7 L Robinson Tower, Adriatico St., Malate Manila; Park Yong Nam, 37; at Kim Min Dong, 34,  kapwa naninirahan sa   Bacolod St., Alabang Hills, Muntinlupa City.

Matagumpay namang na­iligtas ng mga awtoridad ang biktimang si Joen Tai Soon, isa rin Korean national mula sa kamay ng mga suspek. Sa ulat ng Muntinlupa Police, unang dinukot ng mga salarin si Soon dakong alas-4 ng madaling-araw noong Agosto 16 habang papasok ito sa Resort World Hotel sa Newport, Pasay City. Tumawag naman ang mga salarin sa pamilya ng biktima at nanghihingi ng P5 milyong halaga upang ligtas na mapalaya si Soon.  Dito na nakipag-ugnayan ang pa­milya at abogado ng biktima sa Pasay City Police na siya namang nakipagkoordinas­yon sa Muntinlupa Police.

Bumuo ng tracking team ang mga pulis na nagawang matukoy ang kinalalagyan ni Soon sa loob ng bahay ni Kim Min Dong sa Bacolod St., Alabang Hills, ng naturang lungsod.

Dakong alas-5 kahapon ng madaling-araw nang mag­lunsad ng operasyon ang pu­lisya na nagresulta sa ma­tagumpay na pagkakaligtas kay Soon.  Hindi na nakapa­lag ang tatlong suspek nang mapalibutan ng mga pulis.

Inihahanda na ngayon ng pulisya ang pagsasampa ng kasong kidnapping sa tatlong suspek. Ayon sa pulisya, ma­tagal nang umiiral sa mga dayuhang nasa bansa ang pagkidnap sa mga kapwa nila nasyunalidad upang maka­kuha ng salapi.

 

vuukle comment

ALABANG HILLS

BACOLOD ST.

KIM MIN DONG

MUNTINLUPA CITY

MUNTINLUPA CITY POLICE

MUNTINLUPA POLICE

PASAY CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with