Tong collector sa BoC patuloy
MANILA, Philippines - Patuloy umano ang pamamayagpag ng grupo ng mga “mangongotong†sa Bureau of Customs (BoC) at tanging si Commissioner Ruffy Biazon na lamang ang hindi nakaÂkaalam ng ganitong uri ng illegal na gawain. Ito ang ibiÂnunÂyag kahapon ng isang mapapagkatiwalaang impormante sa BoC na hindi nagpabanggit ng paÂngalan upang maprotektahan ang seguridad nito kung saan ilan dito ay nakilaÂlang sina alias Rico R.; alias Elvin at isang alias Ordonez.
Napag-alaman na dapat ay malaking tax ang babayaran ng isang Tina Yu, subalit kada container van ay nagbaÂbayad lamang umano ito ng P70,000.00 dahil ang bawat isang container van ay hinihingan umano ito ng halagang P20,000.00 ni Rico R., kung kaya’t kumikita ito ng halagang P3 milyon kada linggo.
Kung saan itong si alias Tina Yu ay isa umanong smuggler at inirereklamo na umano nito ang ginagawang pangongotong sa kanya ni Rico R. dahil isa siya sa “milking cow†nito. Napag-alaman pa rin na ang araw ng tong collection ng mga ito ay kada araw ng Biyernes at ito naman aniyang si Ordonez ay isa sa mga “bata†ng isang mataas na opisyal na nagbitiw sa BoC.
- Latest