^

Metro

Japanese trader ginamitan ng Ativan, pera kinuha ng kababayan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hilo pa ang isang 79-anyos na Japanese national nang maghain ng reklamo laban sa kaniyang kababayan na gumamit umano ng ‘ativan’ habang sila ay kumakain sa isang restaurant at tangayan siya ng 300,000 Japanese Yen, sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ayon sa biktimang si Tadonari Oka, negosyante at pansamantalang nanunulu­yan sa Boulevard Mansion sa no. 1440 Roxas Blvd., Ermita, Maynila sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) , nakita niya na kinuha ng kanyang kapwa Japanese national na si Tetsuro Honma, 57, may-asawa, nanunuluyan din sa nasabing mansion house, ang kaniyang 300,000 Japanese Yen.

Sa ulat ni PO2 Dennis Suba, dakong ala-1:10 ng hapon ng Sabado nang kumain ang biktima at suspect sa restaurant na nasa ibaba ng kanilang tinutuluyang Boulevard Mansion. Habang kumakain ay nakaramdam umano ng hilo ang biktima matapos siyang uminom ng tubig hanggang sa magpahatid na ito sa kaniyang silid.

Nang ihatid siya ng suspect sa silid, kahit hilong-hilo siya at inaantok ay nakikita pa niya na kinukuha ng suspect ang kaniyang pera at bago siya iwan ay nagsalita ito sa kanilang lengguwahe na katumbas ng salitang “Ano buhay ka pa?.”

Nang beripikahin, nakaalis na umano ng bansa ang suspect at nakabalik na sa Japan.

BOULEVARD MANSION

DENNIS SUBA

ERMITA

JAPANESE YEN

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT AND INVESTIGATION SECTION

MAYNILA

NANG

ROXAS BLVD

TADONARI OKA

TETSURO HONMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with