^

Metro

7 sugatan sa pagsabog sa San Juan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pito katao ang sugatan sa pagsabog na naganap sa isang seafood restaurant sa San Juan City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga nasu­gatan na sina Allan Cabana Mauriel, 46, trabahador na nagkukumpuni sa laundry shop na katabi lamang ng restaurant na  sumabog; Julius Ras, 27, trabahador din sa laundry shop; Jaime Arvin Tacdoro, 22; Marlo Urdas­, 40; Reynaldo Namura, 30; Gabriel Padilla, 45, taxi driver at Benito Tino Jr., security guard ng Mercury Drug.

Batay sa imbestigasyon ng San Juan Police, na­ganap ang pagsabog dakong ala-1:00 ng madaling-araw sa Manosa Restaurant na matatagpuan sa Wilson St., sa San Juan, habang papasara na ito.

Nagulat na lamang ang mga tao sa lugar nang may biglang sumabog at dahil sa lakas ay nangabasag ang mga salamin ng mga katabi at katapat na establi­simento na kinabibilangan ng isang laundry shop at Pizza Hut restaurant.

Nadamay din sa pag­sabog ang walong sa­sakyan at ilang motorsiklo sa kal­sada.

Kaagad namang isinugod sa pagamutan ang mga biktima kung saan sila nilalapatan ng lunas.

Batay naman sa mga nakalap na ebidensiya ng Explosive and Ordnance team ng pulisya, posibleng hindi bomba ang sumabog sa lugar kundi maaaring tangke ng Liquefied Petroleum Gas (LPG).

Walang nakitang secon­dary devices at crater na karaniwang nagkakaroon sa mga pagsabog na likha ng bomba at wala ring indikasyong may mga pulbura ng pampasabog dahil nag-negatibo nang pasadahan ng mga bomb-sniffing dog ang lugar.

Sinabi ni P/Chief Superintendent Miguel Laurel, director ng Eastern Police District (EPD), na may mga indikas­yon na gas explosion nga ang naganap dahil nakaamoy umano ng masangsang ang mga imbestigador at wala ring crater na nakita sa lugar.

 

vuukle comment

ALLAN CABANA MAURIEL

BATAY

BENITO TINO JR.

CHIEF SUPERINTENDENT MIGUEL LAUREL

EASTERN POLICE DISTRICT

EXPLOSIVE AND ORDNANCE

GABRIEL PADILLA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with