^

Metro

Main pipeline ng maynilad sumabog: Klase sa 10 barangay sa Malabon, sinuspinde

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ng lungsod ng Malabon ang klase sa sampung barangay dahil sa kawalan ng tubig matapos sumabog ang main pipeline ng Maynilad kahapon ng madaling-araw.

Sa naging direktiba ni Malabon City Mayor Antolin III Oreta, sinuspinde nito ang mga klase sa Brgys. Tañong, San Agustin, Ibaba, Concepcion, Baritan, Muzon­, Flores, Bayan-Bayanan, Hulong Duhat, Dampalit at Malabon Polytechnic Institute.

Nabatid na nagkaroon ng shortage sa supply ng tubig sa nabanggit na mga lugar dahil sumabog ang pinaka-main pipeline ng Maynilad sa kahabaan ng Governor Pascual St.

Sa naturang insidente apektado ang nabanggit na mga barangay at tiniyak naman ng Maynilad na agad nilang aayusin ang nasirang pipeline.

vuukle comment

BARITAN

BAYAN-BAYANAN

GOVERNOR PASCUAL ST.

HULONG DUHAT

MALABON CITY MAYOR ANTOLIN

MALABON POLYTECHNIC INSTITUTE

MAYNILAD

SAN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with