1,000 kalansay narekober sa Manila South Cemetery
MANILA, Philippines - Narekober ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang may 1,000 piraso ng kaÂlansay ng tao na nagkalat sa Manila South Cemetery sa araw-araw na isinagawa nilang clearing operation sa loob ng naturang sementeryo.
Ito ang inihayag ni MSC Director Daniel “Dan Dan†Tan nang magsagawa ang kanyang mga tauhan ng paglilinis simula ng kanyang panunungkulan sa nabatid na sementeryo.
Aniya, ang mga narekober na mga buto ng tao ay inilagay sa mga nitso na nakalubog sa lupa bago ito tinabunan upang hindi nakaÂtiwangwang lamang.
Kaugnay nito, napag-alaman na ang naturang sementeryo lamang ang nagbibigay serbisyo ng ‘Pauper’s burial’ o yung nagpapalibing sa mga tao na hirap sa buhay at walang kakayahang gumastos sa pagpapalibing sa kanilang namayapang kaanak.
Nabatid na umaabot sa mahigit 5,000 square meters ang nakalaan sa ‘Pauper’s burial’ sa loob ng South ceÂmeteryÂ.
- Latest