Sa isyu pa rin ng agawan sa Fort Bonifacio: Miyembro ng Taguig Bantay Bayan kakasuhan ng Makati City
MANILA, Philippines - Sasampahan ng pamahalaang lungsod ng Makati ng kasong kriminal at admiÂnistratibo ang ilang miyembro ng Taguig Bantay Bayan makaraang i-harass umano ang ilang tauhan ng Makati Engineering Department sa isa sa pinagtataÂlunang barangay sa Fort Bonifacio, kahapon.
Sa pahayag ng pamahalaang lungsod ng Makati, nagsasagawa ng “land surveying†ang mga tauhan ng Makati Engineering nang nasa 10-12 tauhan ng Taguig Bantay Bayan ang dumating dakong alas-10 kahapon ng umaga at pinagsabihan ang mga tauhan ng Makati na itigil ang kanilang ginagawa.
Dito nagkaroon ng komosyon kung saan pumasok na rin ang mga taÂuhan ng Makati City Police upang papayapain umano ang insidente. Bumalik naman sa Makati City Hall ang grupo na kinabibilangan nina Engr. Divine Torres, Engr. Cesar Pajuelas, Arlan Bereda at Arman Mantilla.
Inatasan naman ni Mayor Junjun Binay ang kanilang Legal Department na sampahan ng kaso ang naturang mga miyembro ng Taguig Bantay Bayan. Ikinatwiran nito na isa ang Brgy. Southside sa mga barangay na ibinalik ang hurisdiksyon sa Makati sa kautusan ng Court of Appeals makaraan ang 20 taong labanang legal.
“Since when is it illegal to conduct a land survey? For 20 years, Southside has been neglected. We are correcting this injustice and they respond in a Gestapo-like manner,†ani Binay.
Sinabi pa ng alkalde na plano nila na agad na kumpunihin ang mga lanÂsangan sa Brgy. Southside na susundan ng konstruksyon ng iba pang mga paÂsilidad. Napakalapit lamang umano ng barangay sa Bonifacio Global City ngunit hindi nasesemento ang mga lansangan.
Iginiit rin ng alkalde na “final and executory†ang kautusan ng CA. Maaari umanong umapela ang Taguig ngunit hindi maÂaaring hadlangan ang Makati na ipatupad ang kanilang hurisdiksyon sa naturang mga lugar.
Idinagdag pa ni Binay na hindi umano sila magpapa-bully sa taktika ng Taguig at ipaglalaban nila ang lupain.
Samantala, sa panig naman ng Taguig City, sinasabing puwersahang pinasok ng mga tauhan ng Makati City Police ng walang koÂordinasyon sa Taguig City Police ang Taguig City Hall upang kunin ang mga inimbitahang tauhan ng Makati City Engineering Office.
Ito ay may kinalaman sa naganap na insidente sa lugar na tinatawag nilang Palar Village at Brgy. Southside naman ayon sa Makati. Sa panig ng Taguig, maayos umanong inimbitahan ng mga miyembro ng kanilang Taguig Public Order and Safety Office ang mga miyembro ng Makati Engineering Office dahil sa pagsasagawa ng “land survey†ng walang koordinasyon sa kanila.
Habang nasa loob ng Taguig City Hall, nagsidatingan ang mga tauhan ng Makati City Police at puwersahang kinuha ang mga empleyado ng Makati Engineering. Isang SPO1 Castrillo pa umano ang umakto na tangkang buÂbunot ng baril.
- Latest