^

Metro

Kelot patay sa kapitbahay

Ricky T. Tulipat, Ma. Juneah Del Valle - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa ang patay habang isa pa ang nasugatan na tinamaan ng ligaw na bala makaraang pagbabarilin ng armadong suspect ang una kahapon ng umaga sa Quezon City.

Nakilala  ang nasawi na si Joel Arma, 37, ng Holy Spirit, Quezon City habang sugatan naman si Shiela Samillano Vinzon, 30, ng nasabing lungsod.

Samantala, kinilala ang suspect na si Erwin Narvasa, 49, residente ng Holy Spirit.

Nangyari ang insidente ganap na alas-10:20 ng umaga­ sa tapat ng Gina’s Store na matatagpuan sa kahabaan ng St. Vincent St., Holy Spirit.

Ayon sa saksing si Jhon Ramirez, nakatayo siya sa nasabing lugar nang makitang nag-aagawan ng baril sina Arma at Narvasa.

Dahil sa takot, dali dali itong tumakbo sa kalapit na eskinita ng nasabing tindahan, para magtago.

Dito na nakarinig ng sunud sunod na putok ng baril si Ramirez at nang silipin ang lugar ay tumambad sa kanya ang duguang katawan ni Arma na nakahandusay sa kalsada.

Samantala, ayon sa imbestigasyon, nasaksihan din ni Vinzon ang insidente na noo’y bumibili sa kalapit na tindahan.

Ayon kay Vinzon, walang habas na binaril ni Narvasa si Arma at kahit na duguan ay dali dali pa ring tumakbo ang huli.

Ngunit hinabol pa rin ng suspect si Arma at patuloy na pinapaulanan ng bala kaya humandusay ito sa kalsada at agad na nasawi.

Sinasabing sa pamamaril ng suspect sa biktima ay naroon sa lugar ang anak ni Vinzon kung kaya agad itong tumakbo papalapit sa anak para ilayo kung saan siya ang tinamaan ng ligaw na bala sa likurang bahagi ng katawan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspect habang si Vinzon naman ay isinugod ng kanyang kaanak sa East Avenue Me­dical Center upang malapatan ng agarang lunas.

ARMA

AYON

EAST AVENUE ME

ERWIN NARVASA

HOLY SPIRIT

JHON RAMIREZ

JOEL ARMA

QUEZON CITY

VINZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with