Paslit natabunan ng 50 sako ng buhangin
MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 4-anyos na batang lalaki na nasawi nang mataÂbunan ng 50 sako ng buhangin na may timbang na 2,500 kilo sa isang bodega sa Quezon City, kahapon ng umaga.
Ayon kay PO3 Jaimee de Jesus, imbestigador, kinilala ang biktimang si Juzent Rain Badilla, residente ng Tagdalit St., Brgy. Manresa, sa naturang lungsod.
Nadiskubre ang katawan ng biktima ganap na alas-7:45 ng umaga sa loob ng Pacific Boysen Warehouse na matatagpuan sa Tagdalit St., sa lungsod.
Ayon sa saksing si Mark Anthony Agustin, bago madiskubre ang insidente, pumunta siya sa nasabing bodega upang kumuha sana ng mga materyales nang biglang tumambad sa kanya ang duguÂang katawan ng biktimang natabunan ng may timbang na 2,500 kilong buhangin.
Matapos ito ay agad niyang inireport sa QCPD Police Station 1 na agad na nagsagawa ng imbestigasyon.
Ayon kay Dianne Pascual, nanay-nanayan ng biktima, nagÂpaalam umano sa kanya ang bata na makikipagkita sa kaibigan upang makipaglaro kaya laking gulat nito nang mabalitaan ang sinapit ng ampon.
Ayon sa inisyal na imbestiÂgasyon, mataas ang gate ng nasabing bodega ngunit nakaÂangat ito sa lupa ng may taas na humigit kumulang na isang talampakan.
Hindi raw talaga pinapaÂbantayan ang nasabing bodega dahil hindi naman gaanong kamahalan ang mga materÂyales na nakalagay dito kaya hindi agad napansing may batang nakapasok dito.
Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa nasabing insidente.
- Latest