Tsinoy pinatay sa tsismis
MANILA, Philippines - Sinaksak at napatay ang 62-anyos na Tsinoy makaÂraang pasukin ng nakaalitang kapitbahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Ospital ng Tondo dahil sa saksak sa dibdib ang biktimang si Antonio Chua ng #2750 Sunog Apog Street, Tondo habang tugis naman ng pulisya ang suspect na si Jimmy Guevarra, 40. Sa ulat ni SPO1 Richard Escarlan ng Manila Police District-Homicide SectionÂ, naganap ang krimen dakong alas-4:30 ng hapon. Tumalon sa bakod ng bahay ng biktima ang suspect saka isinagawa ang pamamaslang. Tanging tsismis lamang ang dahilan ng matagal nang alitan ng dalawa subalit ayaw idetalye ng misis ng biktima, ayon kay SPO1 Escarlan.
- Latest