^

Metro

Trader itinumba ng kaalitan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang negosyante ang nasawi matapos na pagbabarilin ng isa sa apat na suspek na umano’y dati na nitong kaalitan sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Victor Potenciano Medical Center ang biktimang si Gerald Reanales, 28, at residente ng Ilaya St., Brgy. Barangka Ilaya, Mandaluyong City bunsod ng tinamong isang tama ng bala ng kalibre .45 baril  sa kaliwang dibdib at isa pa sa ulo.

Tinutugis naman na ng mga awtoridad ng Mandaluyong City Police ang mga nagsitakas na magkakamag-anak na suspek na nakilalang sina Crisniel de Guzman, Boy Reyes alyas Boyong, Willy Reyes at Cathyrene Reyes.

Sa imbestigasyon nina SPO2 Disilito Custodio at SPO1 Orlando Villarte, ng Criminal Investigation Unit (CIU),  nabatid na bago naganap ang insidente ay nagtungo muna ang isa sa mga suspek na si Cathyrene sa kanilang Barangay Hall, inireklamo at ipina-blotter ang biktima dahil umano sa pagdadala ng baril.

Gayunman, makaraan ang ilang minuto ay umalingaw­ngaw na ang dalawang putok ng baril at nakita na lang ang biktima na duguang nakahandusay sa gitna ng kalsada.

Agad namang isinugod ng kanyang pamilya sa pagamutan ang biktima pero hindi na ito umabot ng buhay.

Sinabi ng mga imbestigador na lumitaw sa kanilang imbestigasyon na dating alitan ang pinag-ugatan ng krimen dahil matagal na umanong magkaka-away ang mga suspek at biktima.

Gayunman, wala umano ni isa sa mga kaanak ng biktima ang nais na magbigay ng pahayag hinggil dito, kahit na ang sa misis ng biktima na hanggang ngayon ay shock pa rin dahil sa sinapit ng asawa.

vuukle comment

BARANGAY HALL

BARANGKA ILAYA

BOY REYES

CATHYRENE REYES

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DISILITO CUSTODIO

GAYUNMAN

GERALD REANALES

ILAYA ST.

MANDALUYONG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with