^

Metro

Breast milk bank ilalagay sa QCGH

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakaroon na ng breast milk bank sa Quezon City General Hospital (QCGH) para mapaglaanan ng gatas ng ina ang mga sanggol na mababa ang timbang at malnourished.

Ito ang sinabi ni QC Vice Mayor Joy Belmonte ka­ugnay ng pambansang pagdiriwang ng ‘Breast­feeding Month’ ngayong Agosto.

 Ayon kay Belmonte , ang pagbubukas ng isang breast milk bank ng QCGH ay bilang pagsuporta sa  QC Human­ Milk Bank Ordinance na isinulong ni  QC district 5  Councilor Aly Medalla.

Itinatadhana ng ordinansa na ang probisyon nito ukol sa breast milk bank ay ipatutupad sa mga ospital ng pamahalaan ng QC na may pedia care. Ang ganitong mga milk bank ay kokolekta, susuri, magpoproseso, magpipreserba at mamahagi ng donated human milk sa mga sanggol na hindi masustinihan ng  gatas ng kanilang ina.

Ang proyektong ito ay magiging kauna-unahan na isasagawa ng lungsod Quezon. 

 â€œMaisasagawa na ang proyektong ito  sa tulong ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa pamumuno ni Ms. Margarita Juico,” dagdag ni  Belmonte.

Sinabi ni Belmonte na ang PCSO ay  nagkaloob sa QCGH ng mga kagamitang tulad ng pasteurizer, refrigerator at freezer para sa proyekto.

 Sinasabing  libreng  ipamimigay ang breast milk, ang babayaran lamang ay ang screening process at administrative cost ng QCGH.

Gayunman, sinabi ni Belmonte na  hindi naman ipagkakait ng ospital ang ganitong serbisyo kung hindi kayang magbayad ng isang ina.

 

BELMONTE

COUNCILOR ALY MEDALLA

MILK

MILK BANK ORDINANCE

MS. MARGARITA JUICO

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

QUEZON CITY GENERAL HOSPITAL

VICE MAYOR JOY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with