^

Metro

Minamanehong truck tumirik, nagsanhi ng trapik: Driver binoga, utas sa naasar na motorista

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang truck driver ng isang naasar na motorista makaraang magsanhi ng matin­ding trapik ang tumirik na sasakyan ng una sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Charlie Gorope, 42, ng Gaya-gaya, San Jose Del Monte, Bulacan.

Pinaghahanap naman ng mga pulis ang driver ng Mitsubishi Adventure na may plakang TEI-531 na tumakas at iniwan nito  ang minamanehong nasabing sasakyan.

 Base sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi sa Phase 12 Construction Supply, ID Road, Tala ng naturang lungsod.

Nabatid na nagmama­niobra ang biktima sa mina­maneho nitong  trailer truck upang makapasok sa gate ng naturang establisimento, subalit  pumalya ang ma­kina nito, dahilan upang tumirik ang naturang trailer at humambalang sa kalsada na naging sanhi ng pagsi­sikip ng daloy ng trapiko.

Naasar umano ang suspect na ang sasakyan ay ka­sunod ng tumirik na truck. Armado ng baril, nilapitan nito ang biktima at walang sabi-sabi itong binaril na naging sanhi ng kama­tayan ng huli. Dahil hindi rin makaka­alis dahil sa trapik kung kaya’t iniwan na nito ang sasakyan at dali-daling tumakas. Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.

 

vuukle comment

ARMADO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CHARLIE GOROPE

CONSTRUCTION SUPPLY

MITSUBISHI ADVENTURE

SAN JOSE DEL MONTE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with