Re-blocking ng DPWH sa Edsa, tuloy-tuloy pa
MANILA, Philippines - Muling inaasahan ang masikip na daloy ng trapiko parÂtiÂkular sa kahabaan ng Edsa kaugnay sa road re-blocking ng Department of Public Works and Highway ngayong weekend.
Kaugnay nito mahigpit na babantayan ng mga tauhan ng MMDA ang mga kontrakor ng DPWH upang matiyak na hindi lalagpas ang mga ito sa ibinigay sa kanilang permits.
Sa paalala ng MMDA sa mga motorista, magsasagawa ng pagkukumpuni mula Agosto 8-12 sa mga sumusunod na kalsada: Sa Quezon City, EDSA mula Kaingin footbridge-Oliveros St., (northbound, 3rd lane); Edsa mula Culiat Bridge 1-Roosevelt Ave. (SouthBound,3rd lane); Araneta Ave.-Palanza St.-Landargun St. (North Bound).
Sa Caloocan, Edsa-MoÂnuÂmento Circle (South Bound, lane 2, 4); Edsa mula Jollibee-MCU Hospital (North Bound, lane 3). Sa Makati City, Edsa Kalayaan - Fort Bonifacio FlyÂÂÂover (East Bound-West Bound).
Inaasahang matatapos ang paglalapat ng bagong kalÂsada mula alas-10 ng Huwebes ng gabi hanggang alas-5 ng Lunes ng madaling araw. Pinayuhan nito ang mga motorista na umiwas sa natuÂrang mga lugar.
Sinabi ni MMDA assistant general manager for operations Emerson Carlos, magdadagdag sila ng tauhan sa mga pangunahing lansangan upang matiyak na walang konÂtraktor ang magsasagawa ng operasyon ng lagpas o walang hawak na permit buhat sa MMDA.
- Latest