DOJ prosecutor timbog sa ‘kotong’
MANILA, Philippines - Isang piskal ng Department of Justice (DOJ) ang dinakip ng mga tauhan ng National Bureau of InvesÂtiÂÂgation (NBI) sa isinagawang entrapment operation sa Quezon City matapos na isumbong nang pangingikil ng mga miyembro ng PhiÂlippine Airlines Employees Association (PALEA).
Ayon kay Department of Justice Prosecutor General Claro Arellano, ang pag-aresto kay Assistant State ProÂseÂcutor Diosdado Solidum Jr. ay awtorisado ng DOJ makaraang ireklamo ng PALEA kaugnay ng diumano’y paghingi nito ng malaking halaga kaÂÂpalit ng pagbasura sa kanilang kaso.
Nakabinbin sa DOJ ang inihaing petition for review ng mahigit 200 PALEA members na nauna nang inirekomendang masampahan ng kasong paglabag sa Civil Aviation AuthoÂrity Act of 2008 ng Pasay City Prosecutors Office.
Ang mga PALEA members na nagpoprotesta sa pagkaÂkaÂtanggal nila sa trabaho ay nahaharap sa reklamong pagÂlabag sa section 81 ng nasabing batas na nagbabawal sa sinuman sa pagwasak o pagdulot ng pinsala sa alinmang pasilidad o serbisyo ng paliparan.
Sinabi pa ni Arellano na nakatakdang sumalang si Solidum sa inquest proceedings sa Ombudsman.
Sa isang mensahe sa text, sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na hindi siya titigil sa kampanya kontra sa mga scalawag sa hanay ng DOJ lalo’t prayoridad niya ang zero corruption sa kagawaran.
“I authorized that entrapment. I’ve said it before and will say it again that I don’t mind undertaking such entrapment operations against our own people and suffering the consequent embarrassment for the institution, if only to send a clear and strong signal that corruption has no place in DOJ,†ani De Lima.
- Latest