Driver patay sa umbag ng kapitbahay
MANILA, Philippines - Nawalan ng malay hanggang tuluyan nang binawian ng buhay ang isang tricycle driver matapos na umbagin sa panga ng kanyang kapitbahay at aksidenteng mabagok ang ulo sa sementadong kalsada sa kanilang lugar sa Mandaluyong City, kahapon ng madaling-araw.
Isinugod pa sa Mandaluyong City Medical Center (MCMC) ang biktimang si RoÂnaldo Dionisio, 50, at residente ng Block 5, Bliss Compound, Brgy. Mauway, Mandaluyong City ngunit nasawi rin ito dahil sa internal bleeding.
Arestado naman ang suspek na si Jurry Calabin, 29, na kapitbahay ng biktima.
Batay sa ulat ng Mandaluyong City Police, nabatid na dakong alas-2 ng madalingÂ- araw nang maganap ang insiÂdente habang nag-iinuman ang biktima at kanyang mga pinsan malapit sa kanilang tahanan.
Ayon sa saksing si RiÂchard Dionisio Untal, pinsan ng biktima, nag-iinuman sila nang dumating ang suspek kasama ang isang nagngaÂngalang Danfred.
Kinausap umano ng dalawa si Dionisio na nauwi sa panununtok dito ng suspek sanhi upang bumagsak at mabagok ang ulo sa semento at mawalan ito ng malay.
Tinapik-tapik pa umano ng suspek ang mukha ng biktima ngunit hindi ito nagkakamalay kaya’t umalis na ang suspek at relax lamang na umuwi ng bahay upang matulog, sa pag-aakalang nawalan lamang ng ulirat ang biktima.
Mabilis namang isinugod si Dionisio sa pagamutan ngunit binawian din ng buhay matapos ang ilang oras.
Naniniwala ang pulisya na dahil sa malakas umanong pagkakasuntok ng suspek sa biktima kung kaya’t natumba ito at nabagok ang ulo sa semento.
Kaagad namang pinuntahan ng mga pulis sa kanyang bahay ang suspek na gulat na gulat pa nang arestuhin siya dahil hindi niya inaÂkalang mamamatay ang sinuntok niyang kapitbahay.
- Latest