Sun Cellular scammer, natimbog sa QC mall
MANILA, Philippines - Isang pinaghihinalaang scammer na nag-aapplay ng postpaid subscription ng Sun Cellular ang nahuli kamaÂkailan sa isang shopping mall sa Quezon City.
Ang suspek na hindi muna pinagalanan habang iniimbestigahan ay nahuling nag-aÂapply ng postpaid plan sa iba’t ibang Sun Shop outlets at nagÂsusumite ng mga pekeng dokumento sa ilalim ng hindi nito tunay na pangalan para makakuha ng mamahaling smart phone na may kasamang postpaid subscription.
Ayon kay Reuben Pangan, tagapagsalita ng Sun Cellular, ang kanilang anti-fraud campaign ay naglalayong pigilan ang naglilipanang mga nanlolokong aplikante ng postpaid lines.
“Ang mga suspek kasi sa ganitong panloloko ay hindi lang nakakaapekto sa negosyo kundi sa mga taong nabibiktima nila ng identity theft at iba pang modus operandi.â€
Agad inalerto ng customer service representative ang security department at mga guwardya sa mall ng nakumpirma na ang suspek ay nasa listahan ng fraudsters, ayon kay Pangan.
Magsasampa ang Legal and Regulatory Division ng Sun Cellular ng kasong estafa at falsification of public documents laban sa suspek.
Simula pa lamang ng taon ay naghain na ng mga kaso ang Sun Cellular laban sa mga indibidwal na pinagsususpetsahang nagpasa ng kahina-hinalang subscription applications upang makakuha ng libreng handsets at libreng network usage na kaakibat ng mga subscription plans.
- Latest