^

Metro

2 pekeng parak, nalambat

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang kadala-dala.

Ito ang galit na pahayag ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Richard­ Albano matapos na dalawa pang pekeng traffic policemen na umano’y kasama ng apat na lalaki na nambiktima sa anak ng chief fiscal ng San Juan ang naaresto dahil sa pangongotong sa lungsod.

Dahil dito, nagpalabas ng kautusan si Albano sa mga hepe ng istasyon ng pulisya na arestuhin ang lahat ng mga nagpapanggap na traffic enforcer na sumisira sa imahe ng kapulisan sa lungsod.

“Hindi na natin hahayaan ang ganito, wala na eh, mukhang sinusubukan na tayo, nakita na nilang ipinakita na natin ang apat na naaresto, umariba na naman sila, dapat ay sugpuin na,” sabi pa ng heneral.

Nakilala ang mga suspect na sina Nicolas Lozada, 38; at Bernie Grageda, 40, na naaresto ng mga operatiba ng Eastwood police station na nagkunwaring pulis sa mga motorista.

Sabi ni Albano, ang dalawa ay gumagawa ng kahalintulad na pamamaraan na ginamit sa pangongotong ng halagang P700 mula sa anak ni San Juan City chief prosecutor Tomas Ricalde Jr.

Ang nasabing mga suspect ay nagtatago malapit sa isang U-turn slot at magpapakita lamang kapag may naispatan nang biktima. Dito ay magpapakilala silang traffic policemen at mag-iimbento ng pekeng paglabag sa batas trapiko.

Giit ni Albano, ang dalawa ay kasama ng apat na lalaking nauna nang naaresto noong Linggo matapos biktimahin ang isang Dorothy Joy Ricalde, 25, sa kahabaan ng C5 Road.

Ang mga suspect ay kinilalang sina Eduardo Celetaria, 40; Raymund Liwag, 33; Eduardo Joves, 48; at Bernard Medina, 40, na nag­kunwaring miyembro ng QCPD Traffic Enforcement Unit pero pawang mga bogus ang mga ito.

Ayon pa kay Albano, ang mga bagong na­arestong bogus cops ay nadakip ganap na alas-11:30 ng gabi sa kahabaan ng Temple Drive, Brgy. Ugong Norte.

Nadakip ang mga suspect makaraang magkunwaring mga motorista ang isang undercover officer ng Police Station 12 na kanilang pinara para sa isang paglabag sa batas trapiko. 

 

ALBANO

BERNARD MEDINA

BERNIE GRAGEDA

CHIEF SUPT

DOROTHY JOY RICALDE

EDUARDO CELETARIA

EDUARDO JOVES

NICOLAS LOZADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with