Onsehan sa droga, kelot inutas
MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang onsehan sa droÂga ang dahilan kung baÂkit binaril at pinatay ang isang lalaki ng isang binata na naganap sa isang abandonadong lugar sa Makati City kahapon ng madaÂling-araw.
Binawian ng buhay habang ginagamot sa OsÂpital ng Makati ang bikÂtimang si Garry PiaÂlago, 27, ng Rosal St., Brgy. Pembo ng naturang lungsod. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo buhat sa isang kalibre .45 baril.
Samantala, hinahanÂting naman ng pulisya ang suspect na si Raniel Escobeta, 25, ng Blk. 43, Lot 7, Yellow Bell St., Brgy. Pembo.
Ayon sa imbestigasÂyon, naganap ang insiÂdente dakong alas-4:00 ng madaling-araw sa isang abandonadong kuwarto na ginagawang pot-session ng mga addict sa Blk. 71, Lot 20, Milflores St., Brgy. Rizal, Makati.
Naglalaro ang suspect at biktima ng dice, kasama ang ilang kalalakihan nang nagalit ang suspect at sinuntok ang biktima.
Hindi nakapalag ang biktima dahil may dalang baril ang suspect kung kaya’t dumanas muna ito ng gulpi.
Nagmakaawa pa ang biktima na huwag siyang patayin subalit makaraan ang ilang segundo ay naÂkarinig ng putok ng baril ang ilang saksi. Sinabi ng suspect na huwag silang maingay dahil patay na aniya ang biktimang si Pialago.
Matapos ang insiÂdente ay mabilis na tumakas ang suspect na si Escobeta at ang biktima naman ay dali-daling isinugod sa naturang ospitalÂ, subalit binawian ito ng buhay habang nilaÂlapaÂtan ng lunas.
- Latest