Kandidatong chairman, itinumba sa Maynila
MANILA, Philippines - Isang barangay kagawad na tatakbong chairman sa nalalapit na barangay elections ang pinaniniwalaÂang itinumba sa isang gun-for-hire na nagkunwaring pasahero sa ipinapasadang tricycle ng una sa Tondo, Maynila, kahapon ng tanghali.
Kinilala ang nasawing biktima na si Rainier Natividad, 34, ng Malabon St., Sta. Cruz, Maynila, tricycle driver, at incumbent first kagawad ng Brgy. 337, Zone 34.
Inilarawan naman ang suspect na nasa edad na 30 hanggang 35, nakasuot ng itim na t-shirt at puting short pants.
Sa ulat ni SPO1 Mario Asilo, dakong alas-11:15 ng tanghali nang maganap ang nasabing krimen sa Herrera St., malapit sa panulukan ng Yakal sa Tondo, Maynila.
Batay sa nakuhang salaysay sa mga saksi, habang nasa pilahan sila ng tricycle sa panulukan ng Malabon at Oroquieta Sts., nagtanong umano ang suspect kung magkano ang pasahe kung pahahatid siya sa Herrera st. (dating Camarines St.).
Tumawad pa umano ang suspect na kung pwede ay P30 na lang subalit sa halip na sumakay nang magkaÂsundo sa presyo, nagsabi ito na maya-maya na lang at umupo sa bangketa bago nag-text nang nag-text sa loob ng halos isang oras.
Nang mamataan na umano si Natividad ay suÂÂmaÂkay na ang suspect at nagpahatid sa nasabing lugar.
Naibaba pa umano ng biktima ang suspect at doon na siya pinagbabaril nang malapitan habang nakaÂtalikod na tumama sa braso, likod, tagiliran at sa puso.
Isinugod naman ng kaÂsamahang tricycle driver ang biktima sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) kung saan hindi na umabot pang buhay.
Sa pahayag ng nakataÂtandang kapatid na si Raymond Natividad sinabi nitong, “Wala naman siyang kaaway. Totoo na tatakbo siyang chairman. Kawawa naman ang mga anak niya, tatlo na puro maliliit pa.â€
Matatandaang noong madaling-araw ng Mayo 26, 2013 nang mapatay maÂtapos pagbabarilin ng anim na beses ang tatakbo sanang chairman na si Domingo Ramirez Jr., 51, retired PhiÂlipÂpine Coast Guard (PCG), residente ng Row 2, Unit 910, Block 6 Habitat, Baseco Compound, Port Area, Maynila, sa tapat ng kanyang bahay.
- Latest