5 lugar sa Metro, pinatututukan ng NCRPO
MANILA, Philippines - Pinatututukan ni NCRPO director, Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. sa mga district director ang limang lugar sa Metro Manila na may pinakamataas na antas ng krimen na nagaganap.
Kabilang sa mga lugar na tinukoy na lugar ay ang Monumento sa Caloocan City; Baclaran sa Pasay City; University Belt area sa Maynila; Kalentong at Shaw Boulevard sa Mandaluyong City at EDSA cor. E. Rodriguez Avenue, Aurora Blvd., Cubao sa Quezon City.
Dahil dito, ipinag-utos ni Garbo sa mga Director ng Northern, Eastern, Southern, Quezon City at Manila Police Districts na tutukan ang naturang mga lugar dahil sa malaganap na “street crime†tulad ng panghoholdap, pandurukot at snatching na nagaganap.
“Give emphasis on street crimes. Reduce street crimes by at least 50%,†ayon kay Garbo.
Inatasan rin ng heneral ang mga station commanders na itala ang lahat ng nagaganap na krimen at maging “accurate†sa kanilang pag-uulat dahil sa hinalang nagaganap na pagtatakip ng mga ito sa kanilang report. Ang eksaktong mga datos umano ay makakatulong sa paglikha ng angkop na istratehiya laban sa krimen.
Maglalagay rin ng “collapsible police outpost†sa mga lugar na talamak ang krimen. Magsisilbing silungan rin ito ng mga pulis kung umuulan upang hindi umalis ang mga ito sa kanilang mga puwesto.
Mahigpit ding iniutos ni Garbo ang angkop na pagsusuot ng uniporme ng mga pulis ayon sa kanilang “Tamang Bihis guidelines†at tamang “decorum†o gawi ng mga ito upang hindi mapulaan ng publiko.
- Latest