^

Metro

Bike patrol bubuhayin sa Maynila

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Upang mapaigting pa ang pagpapatupad ng  anti-criminality campaign, sinisimulan na ng  lungsod ng Maynila ang  pagbuhay sa bike patrol.

Sa kanyang pagbisita sa Manila Police   District (MPD), ma­lugod na tinanggap nina  Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada  at MPD director Chief Supt. Isagani Genabe ang may 25 bisikleta na ipamamahagi sa mga police station. Ang mga nasabing bisikleta ay mula sa grupo ng  non-government organizations.

Ayon kay Estrada, ang 25 bisikleta ay gagamitin ng bike patrol at tourist police sa kanilang visibility campaign.

Kasabay nito, nasa 20 piraso naman ng iba’t ibang uri ng baril na nakumpiska ang iprinisinta kay Estrada  mula sa ilang  indibiduwal na nakatakdang sampahan ng kasong  illegal possession.

Matatandaan na layunin ni  Estrada na maibalik ang  pagiging Manila’s Finest ng  MPD.

Ikinatuwa naman ng alkalde ang pagiging masigasig ng pulisya sa kanilang kampanya laban sa mga kriminal sa lungsod at sinabing buo ang suporta sa peace and order ng MPD.

AYON

CHIEF SUPT

IKINATUWA

ISAGANI GENABE

KASABAY

MANILA MAYOR JOSEPH EJERCITO ESTRADA

MANILA POLICE

MATATANDAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with