^

Metro

British national, timbog sa droga

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang isang British national makaraang makuhanan ng isang bulto ng iligal na drogang shabu sa isinagawang buy-bust operation ng awtoridad sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) director Chief Supt. Richard Albano, ang naarestong dayuhan na si Deepak Kumar, alyas “Boss” at “Dee”, 45, at nanunuluyan sa may Tivoli Place, Mandaluyong City.

Si Kumar ay naaresto ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group matapos makuhanan ito ng limang gramo ng shabu nang isagawa ang buy-bust operation alas-3 ng hapon.

Bago ito, nakarating sa impormasyon ng pulisya ang malawakang pagtutulak umano ng shabu ng dayuhan dahilan upang isagawa  ang isang buy-bust operation sa tropa ng DAID-SOTG.

Dito, nang aktong kunin ni Kumar ang marked money kapalit ang shabu ay saka dinampot ito ni Almazan kasama ang iba pang nakaantabay na miyembro ng DAID-SOTG, saka dinala sa Camp Karingal.

Sabi pa ni Albano, ang insidente ay agad nilang ipinabatid sa British embassy para sa kaukulang disposisyon.

Kasunod ang inquest proceedings para sa  kasong paglabag sa Section 5 Article II ng  Republic act 9165 kay assistant prosecutor Ben dela Cruz na nagrekomenda ng pagsasampa ng kaso ng walang piyansa laban sa suspect.

 

ALBANO

CAMP KARINGAL

CHIEF SUPT

DEEPAK KUMAR

DRUGS-SPECIAL OPERATIONS TASK GROUP

MANDALUYONG CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RICHARD ALBANO

SI KUMAR

TIVOLI PLACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with