^

Metro

17-anyos itinumba ng kainuman

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang menor-de-edad ng kanyang kainuman, sa Tondo, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot pang buhay sa Mary Johnston Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan ng biktimang si Mark Derly Lorbes, 17, out-of-school youth,  ng Block 5,  Lot 2, Sitio Damayan, Smokey Mountain, Tondo, Maynila.

Tinutugis na ang suspect na kinilala sa alyas na Edmond, 18,  ng Blk. 1  ng nasabi ding lugar.

Sa ulat ni PO3  Crispino Ocampo ng MPD-Homicide Section dakong  alas-8:15 ng gabi  nang maganap ang insidente sa loob  ng bahay ng  suspect.

Bago ang insidente, nag-iinuman umano ang biktima, suspect at dalawa pang sina alyas “Jayson” at “Buboy”.

Nagawa pa umanong utusan ng nasawi ang nakababatang kapatid na si Kenneth na bumili ng ice tube sa tindahan at hindi pa man umano nakalalayo ay nakarinig na ito ng putok ng baril kaya agad siyang bumalik sa bahay ng suspect kung saan nakita niyang duguan na ang kuya na nakahandusay sa sahig. Hindi na niya inabutan ang tatlong kainuman ng utol. Mabilis namang dinala ni Kenneth  sa pagamutan ang kuya  kung saan idineklarang dead-on-arrival.

Patuloy pang inaalam ang motibo at kung anong baril ang ginamit ng suspect.

vuukle comment

BINARIL

CRISPINO OCAMPO

HOMICIDE SECTION

KENNETH

MARK DERLY LORBES

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

SITIO DAMAYAN

SMOKEY MOUNTAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with