^

Metro

CCTV sa bus bubuhayin ng MMDA

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa pagkabigo ng pulisya na malabanan ang tu­mataas na insidente ng pang­ hoholdap sa mga bus, muling nagpahayag ng interes ang Metropolitan Manila Develop­ment Authority­ (MMDA) na kabitan ng “closed circuit television cameras (CCTV)” ang mga PUBs sa Kamay­ nilaan.

Kasunod ito ng ilang na­ita­lang kaso ng pangho-holdap­  sa mga bus nitong nakaraang linggo kabilang ang pagkakapaslang sa isang call center agent at chef na binaril ng mga holdaper sa loob ng bus.

Sinabi ng MMDA na nakakabahala na ang mga insi­denteng ito na patuloy na nagaganap sa kabila ng ipinagmamalaking police visibility ng PNP.

Sa pamamagitan ng CCTVs sa mga bus, magdadala­wang-isip ang mga holdaper na sumalakay habang kung mambibiktima man ay makakatulong sa pagkilala ng mga salarin at pagresolba ng krimen.

Bagama’t wala pang inilalabas na pinal na panuntunan, inaasahan ni MMDA Chairman Francis Tolentino na hindi tututol ang mga bus operators dahil sa res­ponsibilidad rin nila ang kaligtasan ng kanilang mga pasahero.

Bukod dito, muling pina­alalahanan ng MMDA ang mga operators na huwag ga­wing tinted ang mga salamin ng kanilang mga bus at huwag tatakpan ng kurtina upang makita ng mga otoridad at publiko ang nangyayari sa loob ng bus.

Ito ay upang agad na makuha ang atensyon ng publiko kung may nagaganap na panghoholdap na maa­ aring humingi ng saklolo sa pulisya.

Pinaalalahanan naman ng pulisya ang mga pasahero ng mga bus na huwag nang manlaban kung may magdedeklara ng holdap at tandaan na lamang ang mukha ng mga ito.

 

BAGAMA

BUKOD

BUS

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

DAHIL

METROPOLITAN MANILA DEVELOP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with