^

Metro

QC ‘Pride March’, tuloy

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang pagdiriwang ng Quezon City government  sa ‘Pride March’ sa darating na Disyembre bilang testamento ng pagsuporta sa mga lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT) community sa bansa.

Ito ay makaraang lagdaan ni QC Mayor Herbert M. Bautista ang ordinance  SP 2191, S-2012 na layong  bumuo ng QC Center para sa LGBT upang matulungan ang mga babae at batang biktima at survivor ng karahasan at pang-aabuso.

Isinasagawa ang ‘Pride March’ taun-taun sa mara­ming lugar sa bansa na nag­lalayong paglapitin ang mga nasa 3rd sex at hikayatin ang mamamayan na suportahan ang LBGT kasama ang  iba’t  ibang sektor.

Sa pamamagitan din nito, naipakikita rin ng LGBT community na kaya rin nilang ma­ging matagumpay sa kabila ng diskriminasyon sa kanila at may lugar din sila sa lipunan.

Ayon kay Councilor Aly Medalla at ng mga co-sponsors ng resolusyon, makatutulong ang QC sa LGBT community kung ang lungsod ang siyang mangunguna sa ‘Pride March’ ngayong taon.

“I believe that everyone has the right to be treated equally in this society, that even if we are part of the third sex, we should be respected as humans, and by hosting the Pride March, QC can show its full support to the LGBT community,” ani Mayor Bautista.

 

AYON

BAUTISTA

COUNCILOR ALY MEDALLA

DISYEMBRE

ISINASAGAWA

MAYOR BAUTISTA

MAYOR HERBERT M

PRIDE MARCH

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with