^

Metro

Sa kabila ng surrender feeler: Manhunt sa parak na suspect sa ambush sa Letran player

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuloy ang ikinasang manhunt operation ng San Juan City Police laban sa pulis na itinuturong utak sa pananambang sa varsity player ng Letran Knights at sa nasawing kasintahan nito sa kabila ng ipinadalang surrender feelers.

Sinabi ni San Juan police chief, Sr. Supt. Bernard Tambaoan na maaaring diversionary tactics lamang ang ipina­dalang surrender feelers ni PO2 Roland de Guzman para makakuha ng sapat na oras sa kanyang pagtakas.

 Sa surrender feeler na ipinadala ng isang mediator, nais umano ni De Guzman na linisin ang kanyang pangalan makaraang ituro na suspek sa pananambang kina Letran guard Franz Dysam, 24,  at sa live-in partner nitong si Joan Sordan, 33,  na nasawi sa insidente.

May ibubunyag din umanong impormasyon si De Guzman na maaaring maging daan para tuluyang maresolba ang kaso.

Sa kabila nito, hindi pa rin kampante ang San Juan Police sa ipinangakong pagsuko ni De Guzman.  Una nang sinalakay ng kanyang mga tauhan ang tahanan nito sa Valenzuela City ngunit nakalipat na umano ito ng ibang bahay.

Una ring itinuro ni Dysam si De Guzman na siyang may motibo sa naganap na pananambang sa kanila.  Sinabi nito na ilang beses umanong pinagbantaan siya ng pulis na may mangyayaring masama sa kanya kung hindi hihiwalayan si Sordan.

Nabatid sa imbestigasyon na dating karelasyon umano ni De Guzman si Sordan na isang casino financier.

Matatandaan na pauwi na matapos ang isang laro sa The Arena sa San Juan sina Dysam at Sordan nang tambangan at pagbabarilin ng isang lalaki.  Nasawi si Sordan habang sugatan naman si Dysam.

BERNARD TAMBAOAN

DE GUZMAN

DYSAM

FRANZ DYSAM

JOAN SORDAN

LETRAN KNIGHTS

SAN JUAN

SAN JUAN CITY POLICE

SAN JUAN POLICE

SORDAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with