^

Metro

Dry run ng Interim Bus terminal, EDSA biglang lumuwag

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naramdaman agad ang epekto ng pagbabawal sa mga provincial buses sa EDSA makaraang lumuwag ang daloy ng trapiko sa isinagawang dry run ng proyekto kahapon ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Southwest Interim Transport Terminal (SITT) sa Parañaque City.

Sa mga post sa social networking site na Facebook, marami ang nagpahayag ng papuri sa biglaang pagluwag ng EDSA.  Isa sa netizen ang nagsabi na unang pagka­kataon na nakaranas siya na makarating sa Ayala, Makati City mula sa Quezon City ng 30 minuto lamang.

Nabatid na ginastusan ng pamahalaan ng P24 milyon ang SITT sa may Uniwide reclamation area sa Parañaque City na kayang maglaman ng 1,000 bus buhat sa mga lalawigan ng Cavite, at Batangas.

Isa ito sa tatlong interim terminal na itatayo upang mapaluwag ang daloy ng trapiko sa EDSA.  Nakatakdang buksan ngayong taon ang terminal sa Trinoma Mall sa Quezon City para sa mga provincial buses buhat sa Norte at sa Filinvest area sa Alabang, Muntinlupa City para naman sa mga bus na buhat sa Timog.

Pormal na bubuksan ang SITT sa Agosto 6 na inaasahang tuluyang makakatulong sa problema sa trapiko sa EDSA. Ang mga pasahero umano na bababa sa SITT ay maaaring ituloy ang kanilang biyahe sa ibang pampublikong sasakyan sa terminal na kaya ring maglaman ng 326 jeepneys na may biyahe sa iba’t ibang lugar.

AGOSTO

ISA

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MUNTINLUPA CITY

QUEZON CITY

SOUTHWEST INTERIM TRANSPORT TERMINAL

TRINOMA MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with