^

Metro

CIDG bumuwelta: NBI agent protektor ng drug lord na si Jackson Dy

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inakusahan kahapon ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group-Anti- Or­ganized Crime Division (PNP-CIDG-AOCD) Chief P/Sr. Supt. Jose Mario Espino na isa umanong agent ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nagsisilbing protektor ng naarestong drug lord na si Jackson Dy.

Sa press briefing sa Camp Crame, sinabi ni Espino na nakuha nila ang impormasyon sa guwardiya mismong si Roy Dello Miralles na nagpapanggap na pulis na siya ngayong hawak na testigo ng Department of Justice laban  sa kanya at 19 pang mga pulis na kanyang kasamahan.

Si Miralles at isang hardinero na nakilala lamang sa alyas na Dino ang nagbunyag na pinag-agawan umano ng grupo nina Espino ang saku-sako ng shabu at P20 milyon sa raid sa bahay ni Jackson Dy nang arestuhin ito.

Una nang itinanggi ni  Espino ang paratang sa pagsa­sabing propaganda lamang laban sa kanila ang paglu­tang nina Miralles at Dino na hinihinala nitong nasuhulan na umano ng mga kasamahan sa big-time drug syndicates para sirain ang kredibilidad ng PNP.

Si Espino ang namuno sa operasyon para hulihin ang big-time Chinese drug lord na si Li Lan Yan alyas Jackson Dy at misis nitong si Wang Li Na sa raid sa Infanta Subdivision sa Little Baguio, San Juan City noong Hulyo 13 ng madaling-araw.

Gayunman, tumanggi muna si Espino na ibunyag ang pangalan ng sina­sabing NBI agent na pro­tektor ni Jackson Dy.

Sa kabilang banda, nagpa­hayag naman ang opisyal ng kahandaang sumailalim sa imbestigasyon pero dapat aniya ay sa isang “super body” na makakakuha sila ng patas na pagtrato.

Aniya, kuwentong kutsero lamang umano ang pinagsa­sabi sa DOJ ng dalawang wit­ness na sa simula pa lamang ay nagsisinungaling nang magpakilala ang mga itong pulis.

Samantala, isa umanong  napakaseryosong akusas­yon ang ibinabato ni Espino sa  NBI  kaya dapat na maglabas ang mga ito ng ebidensiya na magpapatibay na nagsisilbing protektor ang miyembro ng NBI sa convicted big-time druglord na si Jackson Dy.

Ayon kay NBI Director Nonnatus Rojas, hindi patas­ ang nasabing paratang ma­liban na lamang kung masusuportahan iyon ng ebi­densya.

Sinabi pa ni Rojas na ito ang unang pagkakataon na lantarang inakusahan ng CIDG ng ganoong uri ng paratang ang NBI.(Dagdag ulat ni Ludy Bermudo)

CAMP CRAME

CHIEF P

CRIME DIVISION

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP-ANTI

DEPARTMENT OF JUSTICE

DINO

DIRECTOR NONNATUS ROJAS

JACKSON DY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with