2 kelot dedo sa tandem
MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang nasawi sa magkahiwalay na pananambang ng riding-in-tandem suspects sa loob lamanÂg ng 12 oras sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Sa ulat ng pulisya, ang mga biktima ay kinilalang sina William Nozares, 20, ng Katuparan St., Brgy. Commonwealth, at Eduardo DeudorÂ, 43, ng Sagada St., Brgy. Sto. Domingo.
Hindi naman matukoy pa ng mga imbestigador kung ano ang posibleng motibo ng pagpatay sa nasabing mga biktima.
Si Nozares ay nasawi matapos ang pamamaril na naganap alas-9:45, Lunes ng gabi sa may kalye ng Pacheco sa Katuparan St.
Base sa pahayag ng mga testigo, ang mga suspect ay sakay ng isang motorsiklo. Hindi naman nakuha ang plaka ng sinakyang motorsiklo ng mga suspect.
Nangyari ang pamaÂmaril habang ang biktima at kanyang mga kaibigan ay nagku-kwentuhan sa lugar at duÂmating ang mga suspect sakay ng motorsiklo.
Si Nozares na nagtamo ng multiple gunshot wounds ay naitakbo pa ng kaanak sa Far Eastern University (FEU) Hospital, pero idineklara ring dead-on-arrival.
Habang sa kaso ng pagpatay kay Deudor, kapwa nakasuot ng helmet ang mga suspect na lulan naman sa motorsiklong walang plaka.
Nangyari ang pamamaril habang ang biktimang si Deudor ay umiinom ng kape sa harap ng kanyang bahay, ganap na alas-7:30 ng umaga kahapon.
Sabi ng ilang testigo, bigla na lamang umanong duÂmating ang motorsiklo sakay ang mga suspect.
Isa sa mga suspect ang biglang bumaba at nilapitan ang biktima saka pinagbabaril.
- Latest