^

Metro

Nagkalituhan pero trapik bahagyang naibsan: Bus ban sa Maynila, sinimulan na

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bahagyang nagkaroon ng kalituhan sa pagsisi­mula ng implementasyon ng ordinansa kung saan ipinagbaba­wal ang provincial at city bus na walang existing terminal na pumasok sa lungsod ng Maynila.

Kahapon ay personal na pinangasiwaan ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ang pagharang sa may 40 bus na galing Fairview at pinaikot sa Welcome Rotonda.

Umarkila naman ng mga pampasaherong jeep  ang  city government  na sumalo sa mga pasahero na papasok at magtatrabaho sa Maynila.

Ayon kay Moreno,  alam ng mga operators ang kanilang gagawing pagpa­patupad  ng  Resolution No. 48.  Aniya, ang lahat ng mga operators ay sumang-ayon  sa ordinansa kung kaya’t nakakapagtaka na  uma­angal ang ilang mga drivers.

Binigyan muna ng warning­ ni Moreno ang mga bus drivers kung saan sinabi nito na  huhulihin na sila sa susunod na paglabag.

Paliwanag ni Moreno, layon ng kanilang ipinatu­tupad na RN-48 na ma­ibsan ang  trapik, gayundin ang paghuli sa mga ko­lorum bus na nag-ooperate sa Maynila.

Mariin ang paalala ni  Moreno na mahigpit na ipatutupad ang ordinansa  upang mabigyan ng di­siplina ang mga bus driver­, gayundin ang  mga commuter­.

Kasabay nito, layon din  aniya ng city government na  ipatupad ang  pro­yektong ‘green transpor­tation’ kung saan papasada ang electric bus sa loob lamang  ng Maynila.

Magsisilbing tagasalo ang electric bus ng mga pasahero na manggagaling sa south, north at eastern part  ng Metro Manila. May rutang  Vito Cruz-Lawton; Lawton-Anda Circle-Vito  Cruz at Lawton Intramuros-Vito Cruz.

Aabot sa 50  electric bus ang  inaasahang papasada sa lungsod.

BUS

LAWTON INTRAMUROS-VITO CRUZ

LAWTON-ANDA CIRCLE-VITO

MAYNILA

MORENO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with