^

Metro

Pagdalo sa SONA napurnada: EX-partylist rep inaresto

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naudlot ang pagdalo sa SONA ng isang  dating party­list representative makaraan itong arestuhin sa bisa ng arrest warrant na ipinalabas ng korte sa probinsya.

Dinakip ng mga tropa ng Quezon City Police District (QCPD) warrant section ganap na alas- 9 ng umaga si dating Senior Citizen Partylist representative Godofredo Arquiza habang sakay ng kanyang Toyota Hi-Ace van papalabas ng Hobart Village sa kahabaan ng Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan sa Novaliches.

Si Arquiza, miyembro ng 15th Congress, ay nakatakda sanang dumalo sa SONA ng Pangulo sa House of Re­presentatives sa Batasan Complex­.

Inaresto si Arquiza ng QCPD sa bisa ng arrest warrant para sa two counts of libel na inisyu ni Batangas City Regional Trial Court branch 2 Judge Maria Cecilia Chua. Ang dating mambabatas ay dinala sa QCPD headquarters sa Camp Karingal para sa booking.

Ang kasong libel ay nag-ugat sa reklamo na inihain da­lawang taon na ang naka­karaan ng kanyang kasamahan sa partylist na si Francisco Datol Jr. at Plut Vazquez, hinggil sa kanyang privilege speech noong May 30, 2011.

Sa kanyang talumpati, nagbitaw umano si Arquiza ng mga defamatory remarks laban kay Datol, Vazquez at iba pang miyembro ng grupo. Sinabi umano ng da­ting mambabatas na si Datol, ikatlong nominado ng grupo at ang kanyang faction sa Senior Citizen partylist ay nagmaniobra umano noong 2010 para tangkaing makuha ang ikalawang nominado na si David Kho.

Tanging dalawang representatives mula sa Senior Citizen partylist ang naiproklama ng Commission on Elections (Comelec) noong 2010. Sa kanya pa ring talumpati sinabi ni Arquiza na pumayag si Kho sa “term-sharing” kay Datol at nagkusa na magre-resign sa December 31, 2011 para bigyang daan ang ikatlong nominado. Pero ang tangkang pagdiskwalipika sa kanya ay naunahan ng petsa nang resignation nito.

Ikinumpara din umano ni Arquiza ang grupo ni Datol sa isang criminal syndicate na siyang pinagsimulan ng paghahain ng kaso.

Nauna nang disqualified ng Comelec ang Senior Citizen partylist, na nakatanggap ng higit sa 600,000 votes at naging pang 10 sa naging halalan noong May 13 midterm elections.

Pero pinigilan ito ng Korte­ Suprema at ipinag- utos ang status quo order  at pinabigyan ng pwesto sa party­list pero hindi muna ipoproklama habang nakabinbin ang kanilang petisyon na komukwestiyon sa kanilang pagkakadiskwa­lipika.

ARQUIZA

BATANGAS CITY REGIONAL TRIAL COURT

BATASAN COMPLEX

CAMP KARINGAL

COMELEC

DATOL

DAVID KHO

SENIOR CITIZEN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with