Anak patay sa sariling ama
MANILA, Philippines - Patay ang isang 20-anyos na caretaker makaÂraang masaksak ng kanyang sariling ama matapos ang pagtatalo sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ang nasawi na si Alexander Dingcong Jr., na nagawa pang maisugod sa ospital subalit binawian din ng buhay.
Ayon kay PO2 Jogene Hernandez, mabilis namang tumakas ang suspect na ama na si Alexander Dingcong Sr.
Bago ito, nag-inuman muna ang mag-ama kaÂsama ang kanilang mga kaibigan sa kanilang bahay at nang matapos, sa halip magpahinga na ay nagÂdesisyon ang batang Dingcong na magpunta sa Brgy. Payatas.
Pero dahil nakainom, piÂnigilan na ang biktima ng kanyang ama na hindi nagustuhan ng una kung kaya dahil sa galit nito ay nagawang batuhin ang kanyang tatay hanggang sa mauwi ito sa mainitang pagtatalo.
Doon na kumuha ang suspect ng icepick saka inunÂdayan ng saksak ang kanyang anak na agad namang tumumba sa lapag. Agad namang tumakas ang suspect matapos ang insidente.
Naitakbo pa ang biktima ng kanyang mga kapitÂbahay sa Commonwealth Hospital bago inilipat sa EAMC, kung saan siya idiÂneklarang patay ganap na alas-2 ng madaling-araw.
- Latest